Akda ni: Riza R. Tormis
Isinaayos sa tulong ni: Christian Mercado
Noong unang panahon, may isang dyosa na nakatira sa kalangitan, Dyosa Clariza ang kanyang panalan. Madalas itong bumaba sa lupa upang masilayan ang kagandahan ng karagatan, hilig niya ang maupo sa malaking bato sa gilid ng dagat. Isangaraw, nasilayan siya ng isang makisig at matipunong manlalayag, napansin siya nitong kumakanta habang hawak-hawak ang buhok niya. Agad naman siyang nilapitan nito at magalang na nagpakilala. “Magandang araw sa iyo, magandang dilag, ako nga pala si Jac, maaari ko din bang malaman ang iyong pangalan?”. Napatitig ang dyosa sa kanya at sumagot na may halong takot ang tono ng boses “ah, ehh .. Clariza ang pangalan ko”, “Ikinalulugod kong makilala ka” sagot naman ni Jac habang ngumingiti.Hindi nagtagal ay mas nagkakilala pa silang dalawa, nalaman ni Jac na dyosa si Clariza ngunit hindi ito nagging dahilan upang magkamabutihan sila. Naging magaan ang loob nila sa isa’t isa at naging matalik na magkaibigan sila. Sabay nilang pinagmamasdan ang alon ng dagat, madalas na naglalaro ng mga buhangin, naghahabulan at kung minsan sa gabi ay sabay nilang pinagmamasdan ang buwan at mga nagniningning na bituin. Araw-araw nila itong ginagawa at bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.Dahil sa dalas nang kanilang pagkikita, hindi nila namalayang nahulog na sila sa isa’t isa at hindi naglaon ay nagmahalan ng buong tapat.Dumating ang araw na kinakailangan nang umalis ng manlalayag upang magtrabaho ngunit nangako ito na babalik siya pagkatapos ng isang taon sa lugar kung saan sila unang nagkita at madalas na magtagpo. Bago paman makaalis si Jac ay niyakap siya nang Dyosa ng mahigpit na mahigpit sabay sabing “kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko”.
an unhappy ending story..
ReplyDeleteAno ang talambuhay ng akda?
ReplyDelete:c
ReplyDeleteThats pretty sad :C
ReplyDeleteNapaka Tanga ni jack
ReplyDeletebaliw kana
Deletenababaliw kana ba edi kung ganun ka edi wag mong basahin aanuhin mo yung istoriya istory lang naman eh.
ReplyDeletetotoo ka
Deleteugh ang haba nakakaboring
ReplyDeleted wag mong basahin tsk.
Delete:((
ReplyDelete